WEST PH SEA | SC Associate Justice Antonio Carpio, kinastigo ni PRRD

Sinupalpal ni Pangulong Rodrigo Duterte si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio.

Ito ay kasunod ng mga pahayag ni Carpio na hinihimok ang gobyerno na ipaglaban ang soberenya ng Pilipinas sa pinagtatalunang West Philippines Sea sa pamamagitan ng paghahain ng diplomatic protest laban sa China dahil sa patuloy na militarisasyon nito sa mga isla sa lugar.

Sa groundbreaking ceremony ng Panguil Bay Bridge (PBB) Project sa Lanao del Norte, iginiit ng Pangulo – mauuwi lang sa masaker o giyera kapag ipinagdiinan sa China ang arbitral ruling.


Pansamantala munang isasantabi ng Pangulo ang ruling para maiwasan ang komprontasyon sa China, subalit tiniyak niya na isusulong ito bago matapos ang kanyang termino.

Nabatid sa ilalim ng Aquino Administration, napanalunan ng Pilipinas ang kaso sa International Arbitration Court na nagbabasura sa expansive claims ng China sa West Philippines Sea noong 2016.

Facebook Comments