PABUYA | ₱1-M, alok ni PRRD sa mga makapagtuturo ng local officials at pulis na sangkot sa illegal drugs

Mag-aalok si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang milyong pisong pabuya sa sinumang makakapagbigay ng imporasyon kung saan nagtatago ang mga lokal na opisyal na sangkot sa ilegal na droga.

Maliban dito, magbibigay din ng Pangulo ng ₱500,000 sa mga makapagsusumbong ng ‘ninja’ cops.

Aniya, ipagbigay alam dapat sa Armed Forces of the Philippines (AFP) lokasyon ng mga ito o sa Philippine National Police (PNP).


Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasabay ng groundbreaking ceremony ng Ozamiz Airport Modernization Project sa Misamis Occidental.

Facebook Comments