WEST PHILIPPINE SEA | 4 sa bawat 5 Pilipino, naniniwalang hindi tamang hayaan ang ginagawang militarisasyon ng China sa WPS – SWS Survey

Manila, Philippines – Naniniwala ang apat sa bawat limang Pilipino na maling hayaan ng Pilipinas ang militarisasyon ng China sa mga teritoryo sa West Philippines Sea.

Base ng resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS), 81% ang nagsabing hindi tamang hinahayaan ang China na magtayo ng mga imrastraktura at magtalaga ng kanilang militar sa pinag-aagawang teritoryo.

80% naman ang nagsabing dapat palakasin ang kakahayan ng sandatahang lakas ng Pilipinas lalo na ang Philippine Navy.


74% naman ang nagsabing dapat i-akyat ng gobyerno ang isyu sa international organizations bilang diplomatikong hakbang para maresolba ang sigalot.

Nasa 73% ang nais nagkaroon ng direktang bilateral negotiations ang Pilipinas at China habang 68% ang nagsabing dapat humingi ng tulong ang Pilipinas sa iba pang bansa.

Facebook Comments