WEST PHILIPPINE SEA | China, posibleng maharap sa parusa kapag itinuloy nila ang militarisasyon

173

Nagbabala ang Amerika sa mga parusang pwedeng kaharapin ng china dahil sa patuloy nitong militarisasyon sa South China sea.

Ayon kay Press Secretary Sarah Sanders – Ipinarating na nila ang kanilang concern sa isyu at sinabihan ang China sa posibleng near-term at long-term consequences ng ginagawa nilang military build up sa isla.

Naghain na rin ng diplomatic complaint sa Beijing ang Pentagon.

Sabi ni Pentagon Spokesperson Dana White – kaugnay ito ng ilang insidente nitong nakaraang Linggo kung saan tinutukan ng military laser pointer ng China ang mga piloto ng US sa base ng Amerika sa DJIBOUTI (JIBUTI).

Facebook Comments