
Cauayan City – Iitinampok ang West Philippine Sea Gallery Exhibit sa tatlong kilalang mall sa Region 2 upang palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa kahalagahan ng West Philippine Sea.
Ibinida ang exhibit sa SM City Cauayan, North Star Mall sa Lungsod ng Ilagan, at SM Downtown Tuguegarao.
Dito, inilantad ang mga legal na batayan ng soberanya ng Pilipinas, kasaysayan ng pag-aangkin, at kahalagahan ng yamang-dagat sa bansa.
Patuloy naman na isusulong ng ahensya ang ganitong kampanya upang mapalakas ang pagiging makabayan at pagkakaisa ng sambayanan sa pagtatanggol sa ating karagatan.
Samantala, muli namang pinagtitibay ng 5th Infantry Division ang kanilang paninindigan sa pagbibigay ng tamang impormasyon ukol sa West Philippine
Sea.
Facebook Comments