West Philippine Sea, “hindi natin pagmamay-ari” ayon kay Pangulong Duterte

Handang maglayag si Pangulong Rodrigo Duterte sa West Philippine Sea (WPS) sa harap ng namumuong tensyon sa China.

Pero sa kanyang Talk to the People Address, inamin ng Pangulo na hindi ito magiging madali.

Wala rin aniyang saysay kung maglalayag pa sa lugar lalo na kung hindi ito pagmamay-ari ng Pilipinas.


Dagdag pa ng Pangulo, dadanak din ng dugo kung ipaglalaban ang teritoryo at hurisdiksyon sa lugar.

Ang isyu sa WPS ay mananatili hanggang hindi nakahanap ng paraan na mabawi ito ng Pilipinas.

Maaari lamang mabawi ang WPS sa pamamagitan ng pwersa pero ayaw niya itong gawin.

Muli ring iginiit ng Pangulo na hindi siya makikipaggiyera sa China dahil malabong mananalo ang Pilipinas.

Sinabi rin ng Pangulo na malabo ring tumulong ang Estados Unidos sa Pilipinas.

Muli ring isinisisi ni Pangulong Duterte sa administrasyon ni Dating Pangulong Noynoy Aquino ang pag-angkin ng China sa Panatag shoal nang magkaroon ng standoff noong 2012.

Sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang makakaharang sa mga barko ng Pilipinas na bumisita sa WPS.

Ang naval, coast guard at fisheries bureau vesels ay regular na nagpapatrolya sa lugar.

Facebook Comments