WEST PHILIPPINE SEA | Justice Antonio Carpio, pinayuhan ng Malacañang na basahin ang statement ng Pilipinas sa ASEAN

Manila, Philippines – Hindi kailangang maging maingay sa usaping pang diplomasya.

Ito ang naging sagot ng Palasyo sa naging pahayag ni Justice Antonio Carpio na tila walang ginagawang pormal na protesta ang Pilipinas sa militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na kanilang kinikilala ang pagiging nasyonalismo ni Justice Carpio. Gayunpaman iginiit ni Roque, hindi naman kinakailangang isapubliko ang lahat ng hakbangin ng gobyerno tungkol sa usapin ng territorial dispute.


Panawagan ni Roque kay Justice Carpio, basahin ang statement na inisyu ng bansa sa ASEAN kasama ang iba pang mga nasyon na umaangkin din sa nabanggit na teritoryo.

Facebook Comments