WEST PHILIPPINE SEA | Militarisasyon ng China, hindi banta – Malacañang

Manila, Philippines – Hindi nakikitang banta ng Malacañang ang ginagawang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea, ito ay ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque dahil na rin sa lumalagong pagkakaibigan ng Pilipinas at China.

Gayunpaman ayon kay Roque, hindi naman ibig sabihin nito na walang ginagawa ang Pilipinas sa mga aktibidad ng China.

Ayon kay Roque, diplomatic approach ang ginagawa ng Pilipinas.


Muli raw bubuksan ang usapin ng West Philippine Sea sa bilateral mechanism na nakatakdang gawin sa mga susunod na buwan. Ito ayon kay Roque ay dahil hindi naman pwedeng nagiingay ang Pilipinas sa bawat foreign issue na kasasangkutan ng bansa.

Dagdag pa ni Roque, sa ilalim ng ASEAN Declaration, nakasaad dito ang pagre- restrain sa sarili at pagiwas sa paggawa ng hakbang na magpapataas sa tensyon sa West Philippine Sea, sinabi ni Roque na bilang miyembro ng ASEAN kaisa ang Pilipinas sa deklarasyong ito.

Facebook Comments