Manila, Philippines – Naniniwala si dating Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na ‘Gravely Inaccurate’ ang isang pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana tungkol sa West Philippines Sea dispute.
Nabatid na isinisisi ni Lorenzana sa mishandling ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang paglala ng sitwasyon sa pinag-aagawang teritoryo.
Ayon kay del Rosario – matalik silang magkaibigan ni Lorenzana pero ikinalulungkot niya ang naging komento nito dahil tila ginagamit ang Defense Chief bilang isang propagandist.
Aniya, ang nakaraang administrasyon ay ipinagtanggol ang ating teritoryo sa diplomatikong pamamaraan sa pamamagitan ng paggamit ng bilateral at multilateral approach.
Binanggit din ni del Rosario ang pag-akyat dati ng reklamo sa arbitral tribunal ng United Nations Convention on The Law of The Sea (UNCLOS) na nagresulta ng pagpabor nito sa Pilipinas na hindi kinilala ng China.