WEST PHILIPPINE SEA | Pilipinas – dapat nang magpasaklolo sa mga kaalyadong bansa dahil sa patuloy na militarisasyon ng China sa WPS

Manila, Philippines – Dapat na umanong magpasaklolo ang Pilipinas sa mga kaalyado nitong bansa para i-pressure ang China tungkol sa ginagawa itong militarisasyon sa West Philippine Sea.

Kausnod ito ng napaulat a pagpapadala ng Beijing ng bomber aircraft sa bahagi ng pinag-aagawang teritoryo.

Ayon kay Sen. Panfilo lacson, dapat nang mabahala ang Pilipinas sa mga aktibidad na ito ng China.


Kailangan na rin daw itong gawin para mapanatili ang “balance of power” sa Asya.

Pwede aniyang magamit ng Pilipinas ang naging rulong ng un arbitral tribunal para patunayan ang pagmamay-ari ng bansa sa mga disputed island.

Una rito, ibinahagi ng People’s Liberation Army Air Force at State-owned people’s daily ang larawan ng paglapag ng isang long-range bomber sa Woody island a bahagi ng paracel group sa Spartlys.

Ayon sa Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI), posibleng maabot ng bombers ang buong South China Sea.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang Department of Foreign Affairs hinggil sa isyu.

Facebook Comments