WEST PHILIPPINE SEA | Tiwala sa diskarte ni Pangulong Duterte ng DFA, iginiit nina Senators Pimentel at Legarda

Manila, Philippines – Para kina Senators Koko Pimentel at Loren Legarda, makabubuting pagtiwalaan ang mga pasya nina Pangulong Rodrigo Duterte at Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea.

Pahayag ito nina Pimentel at Legarda sa harap ng patuloy na militarisasyon ng China sa West Philippine Sea kung saan naglagay na ito ng missile system at mga bomber planes.

Katwiran ni Pimentel, malinaw ang pahayag ni Cayetano na mayroon namang ginagawang diyalogo sa pagitan ng Pilipinas at China para hindi na lumala ang sitwasyon.


Kuntento naman si Legarda sa paraan kung paano ipinaglalaban ng malakanyang ang West Philippine Sea dahil tama aniya ang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi dapat makipag away o makipag giyera ang Pilipinas sa China.

Tama rin para kay Legarda ang pananahimik ni Cayetano sa isyu.

Facebook Comments