Matatanggap na sa susunod na buwan ng mga manggagawa sa Western Visayas Region ang 500 pesos minimum pay increase.
Ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) – ang umento sa sahod ay magsisimula sa May 8.
Base na sa wage order ng Western Visayas Region Wage Board, 500 pesos sa cities at first class municipalities at 500 pesos din sa iba pang munisipalidad.
Ang mga manggagawang nagtatrabaho sa Region 6 ay dapat makatanggap ng hindi bababa sa 4,000 pesos mula sa dating minimum wage na 3,500 pesos.
Sakop ng taas-sahod ang Aklan, Antique, Capiz, Guimaras at Iloilo.
Facebook Comments