VP Robredo, ikinalugod ang natanggap na mataas na net satisfaction rating

Mas ganado pa ngayon si Vice President Leni Robredo na magtrabaho at i-angat ang buhay ng mga mahihirap na Pilipino.

Ito ay matapos lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na tumaas ng 15 puntos ang public satisfaction rating ng Bise Presidente.

Ayon kay Robredo – patunay dito ang mga nagawa na ng kanyang opisina lalo na ang pagtataguyod ng Angat Buhay Program.


Ipinapakita rin aniya sa survey na kinikilala ng mga Pilipino ang kanyang mga nagawa para tulungan ang mga nangangailangan.

Masaya si Robredo at tiniyak na ipagpapatuloy at pagbubutihin pa ang kanyang trabaho para sa mga Pilipino.

Facebook Comments