Maaantala na naman ang biyahe ng mga Locally Stranded Individual (LSI) pauwi sa Western Visayas Region.
Ito ay matapos na magpatupad muli ng travel moratorium ang Western Visayas sa lahat ng mga pasaherong papasok sa rehiyon na nagsimula na noong August 7.
Ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, nasa 272 LSI pa ang nag-aabang sa arrival area ng port terminal building, consourse area at sa unticketed area ng Zaragosa gate ng Manila North Harbor Port.
Karamihan sa kanila ay uuwi sana sa Bacolod at Iloilo.
Tatagal ng dalawang linggo ang pagpapatupad ng travel moratorium.
Facebook Comments