Western Visayas number 1 drug lord, napatay sa operasyon ng pulis sa Iloilo City

Manila, Philippines – Patay ang itinuturing na top drug lord sa Western Visayas na si Richard Prevendido sa anti-drug operation sa Landheights Subdivison, Jaro, Iloilo City.

Ayon kay Iloilo Provincial Police Office (IPPO) Director S/Supt. Marlon Tayaba –dakong alas-9:30 ng gabi ay magsisilbi lamang ng warrant of arrest laban kay prevendido pero nagpapatutok na ito habang nasa loob.

Dito na gumanti ang mga awtoridad at napatay ang suspek.


Narekober ang kalibre 45 na baril sa kamay ang drug lord.
Sinabi ni Tayaba na apat na buwan na umanong naninirahan sa naturang bahay si Prevendido.

Ito na aniya ang ika-pito nilang operasyon laban sa drug lord.

Nabatid na si Prevendido ay may patong sa ulo na 1.1 million pesos.

Facebook Comments