WestMinCom, suportado ang muling pagkakatalaga kay Gen. Centino bilang military chief

Nagpahayag ng buong suporta ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (WestMinCom) sa muling pagkakatalaga kay General Andres Centino bilang ika-59 na AFP Chief of Staff.

Ayon kay AFP WestMinCom Acting Commander Brig. General Arturo Rojas, buo ang kanilang suporta sa muling pag-upo ni Gen. Centino.

Sinabi ni Rojas, bilang bahagi ng sandatahang lakas, nakatutok ang WestMinCom sa kanilang mandato na pangalagaan ang mamamayan at ipagtanggol ang teritoryo at soberenya ng bansa.


Aniya, patuloy na gagampanan ng WestMinCom ang kanilang tungkulin para isulong ang kapayapaan at progreso sa Mindanao.

Ipinaabot din ni BGen. Rojas ang kanyang pagbati kay Gen. Centino na nagbabalik sa pwesto matapos na unang nagsilbi bilang AFP Chief of staff mula Nobyembre 12, 2021 hanggang August 8, 2022.

Facebook Comments