Lider ng Tomanda Criminal Group at 2 miyembro nito, nasukol na PNP-CIDG

Naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pinuno at 2 miyembro ng kilabot na Tomanda Criminal Group sa Sultan Kudarat.

Kinilala ni PNP-CIDG Director PBGen. Ronald Lee ang mga nadakip na suspek na sina Norylyn Delos Reyes Tomanda, leader ng nasabing Criminal Group at No. 8 Provincial Most Wanted Person ng Sultan Kudarat ang 2 myembro nito na sina Jeve Delos Reyes Tomanda na No. 10 Provincial MWP ng Sultan Kudarat, at Jenelyn Piedraverde Maquidato bilang No. 9 Provincial MWP ng Sultan Kudarat.

Ayon kay Gen. Lee, sangkot ang Tomanda Criminal Group sa swindling, investment scams, at iba pang ilegal na aktibidad na nag ooperate sa Tacurong City, Isulan, Bagumbayan, Sultan Kudarat at kalapit na probinsya.


Ang mga suspek ay nasa kustodiya ngayon ng CIDG Sultan Kudarat para sa documentation at proper disposition bago sila iharap sa korte na naglabas ng mandamyente de aresto laban sa 3.

Facebook Comments