Wet Section ng Marikina Public Market, agad na ipinasara ni Mayor Teodoro dahil sa mayroong hinihinalaang nagpositibo ng COVID-19

Ipinasara agad-agad ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang main market portion ng Marikina Public Market, makaraang mapag-alaman na may hinihinalaang positibo ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Mayor Marcy Teodoro, ang agarang pagpapasara Pamilihang Lungsod ng Marikina (Wet Section) matapos na masawi ang isang 72-anyos na market vendor dahil umano sa respiratory illness.

 

Paliwanag ng alkalde, inaantay na lamang nila ang autopsy report para malaman kung positibo ng sa COVID-19 ang naturang nasawing vendor.


Inatasan ni Mayor Teodoro na magsagawa agad ng puspusang disinfection bilang precautionary measure at wala ng mahawa pa sa mga bumibili sa naturang palengke.

Facebook Comments