Inisa-isa ng Manila Electric Company (Meralco) ang ilang dahilan sa ng “surge of demand” sa kuryente.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ilan sa mga dahilan ay ang work-from-home ng mga empleyado, online classes at muling pagbubukas ng ilang mga negosyo.
Aniya, noong 2019 ay umabot sa 11,344 megawatts ang highest demand sa kuryente.
Pero nitong Mayo 2021 ay umabot sa 11,640 megawatts ang naitalang demand.
Tiniyak naman ni Zaldarriaga na mayroong sapat na supply ang para masigurong maseserbisyuhan ang kanialng mga customer.
Ang rate o singil din ng Meralco ngayong taon ay mas mababa kumpara noong nakalaipas na taon.
Facebook Comments