BLENDED LEARNING, IPAPATUPAD SA STA. BARBARA NGAYONG ARAW DAHIL SA MAINIT NA PANAHON

Dahil sa maaaring maranasan na mataas na temperatura ngayong araw sa lalawigan ng Pangasinan, nakatakdang ipatupad ang modular o blended learning sa mga paaralan ng Sta. Barbara.

Sa inilabas na Executive Order No. 25-10 series of 2025 ng bayan, nakasaad na kinakailangang mag-adjust sa oras ng klase ang mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong araw.

Magpapatuloy ang mga klase sa umaga sa face-to-face mode, habang ang mga klase sa hapon ay magiging modular o blended learning. Inatasan naman ang mga prinsipal na baguhin ang mga schedule kung kinakailangan.

Kahapon, naitala ang 45 degrees Celsius na heat index sa lungsod ng Dagupan kung saan mataas ang tsansa sa heat cramps at heat exhaustion. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments