Nagsagawa ng pamamahagi ng wheelchairs at artificial legs sa bayan ng Binmaley, Pangasinan bilang tulong sa mga residente na may kapansanan.
Pinangunahan ng lokal na pamahalaan katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang aktibidad na layuning mapabuti ang mobility at pang-araw-araw na pamumuhay ng mga benepisyaryo.
Ayon sa pamahalaang bayan, makatutulong ang mga assistive device upang makabalik ang mga PWD sa kanilang mga gawain at maging mas produktibo sa komunidad.
Bahagi ito ng programang nagsusulong ng mas inklusibong serbisyong panlipunan para sa sektor ng Persons with Disability.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga tumanggap ng tulong at umaasang magpapatuloy pa ang ganitong inisyatiba sa Binmaley.
Facebook Comments










