SIYAM (9) NA WHEELCHAIR ang naipamahagi kahapon ng umaga sa RMN Broadcast Center sa Zone 6, Barangay Del Rosario, Milaor, Camarines Sur.
Ang Libreng Wheelchair project ay isinasagawa sa pamamagitan ng Citizens Crime Watch (CCW) sa pangunguna ni Chairman Carlo Batalla at sa pakikipagtulungan ng DWNX 1611 KHz RMN Naga.
Sa panayam nina RadyoMan Ed Ventura at RadyoMan Grace Inocentes sa programang DWNX DOBLE PASADA, ipinahayag ni Batalla na ang nasabing proyekto ay handog para sa lahat ng nangangailangan sa rehiyon ng Kabikolan. Layon nitong mabigyan ng ginhawa at matulungan ang mga kababayan nating hirap sa pagkilos sanhi ng kanilang kapansanan para malayang makakilos sa pamamahay at komunidad.
Target ng proyektong ito na makapagbigay –LIBRE- ng hanggang isandaang piraso (100 units) hanggang sa Desyembre ngayong taon. Nang tanungin kung ilang mga wheelchairs ang ipapamahagi sa ating mga kababayan dito sa Kabikolan, inihayag ni Batalla na “WALANG LIMIT ito basta’t may mga kababayan tayong nangangailangan – magpapatuloy ang pagsisikap ng CCW na makapamahagi ng nasabing gamit para sa ating kababayan.”
Ilan sa unang nakatanggap ay ang pamilya ni Victoria Olaguer – Bula, CamSur, Romeo Agravante – Lagonoy, CamSur, Erlinda Cayonte, Honoria Alde, Rafael Amador, Salve Celeste at tatlong iba pa.
Nilinaw din ni Batalla na para sa iba pang pamilya o indibidwal na nagnanais makakuha ng LIBRENG WHEELCHAIR, maaring makipag-ugnayan sa RMN Broadcast Center at hanapin lamang si RadyoMan Grace Inocentes para sa pagproseso ng aplikasyon. Maari ring tumawag sa landline numbers 873-0419 at 873-0420.
Ang susunod na distribution ay gaganapin sa darating na October 14, 2017 sa RMN Broadcast Center, Milaor, Camarines Sur.
WHEELCHAIRS – LIBRE sa Naga City, CamSur pati Kabikolan – Paglilingkod-Bayan ng Citizens Crime Watch at DWNX RMN Naga
Facebook Comments