Inamin ni World Health Organization (WHO) Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe na hindi sila kuntento sa usad ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Abeyasinghe, hanggang ngayon ay nasa 3.6 million senior citizen ang hindi pa rin nakatatanggap ng kahit isang dose ng bakuna.
Dahil dito, hindi na nakakagulat na patuloy ang pagsipa ng kaso ng COVID-19 dulot ng Delta variant na nararanasan din sa ibang bansa.
Nanawagan naman ang opisyal mula sa WHO na pabilisin pa ng mga lokal na pamahalaan ang pagbabakuna, lalo’t nakikita naman ang benepisyo nito sa mga naturukan ng bakuna sa Metro Manila.
Habang dapat din aniyang ipaunawa sa publiko ang pangangailangan na makontrol ang hawaan at maibaba pa ang mga kaso ng COVID-19.
Facebook Comments