Hindi pa inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) ang pagbibigay ng booster shots sa mga health worker, senior citizens at immuno-compromised.
Sa kabila ito ng pag-apruba ng Department of Health (DOH) sa pagbibigay ng booster shots o ikatlong dose sa mga nabanggit na indibidwal.
Ayon kay WHO representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, hindi pa nila inirerekomenda ang booster shots dahil tanging ang mga immuno-compromised pa lamang ang dapat makatanggap ng ikatlong dose.
Sa Nobyemre sisimulan ang pagbibigay ng pagbibigay ng booster shots sa bansa.
Inaasahang kakailanganin naman ng dalawang milyong booster doses para sa mga health workers at limang milyon para sa mga immuno-compromised.
Sa ngayon, sapat ang suplay ng bakuna sa bansa anuman ang kailangan na brand.