Hinimok ng World Health Organization (WHO) ang mga mayayamang bansa na ihinto ang pagbabakuna sa mga bata laban sa COVID-19 at sa halip ay ibigay ang sobrang bakuna sa mga mahihirap na bansa.
Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, napansin nila na maraming bansa ang binabakunahan na ang mga kabataan habang may ilang mahihirap na bansa ang hindi pa nakakapagsimula ng kanilang vaccination sa kanilang health workers at vulnerable population.
Nanawagan ang WHO Official sa mga bansa na i-donate ang kanilang mga bakuna sa COVAX Facility para masigurong makakatanggap ang lahat ng mga bansa ng proteksyon mula sa COVID-19.
Halos 1.4 billion doses ng COVID-19 vaccines na ang naturok sa 210 bansa sa buong mundo.
Facebook Comments