Malaki ang ibinababa ng bagong naitalang kaso ng COVID-19 ng World Health Organization (WHO) sa buong mundo.
Dahil dito, sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na nakikita na nito ang katapusan ng COVID-19 pandemic.
Ngunit nilinaw ni Ghebreyesus na dapat gumawa ng hakbang ang buong mundo upang makuha ang oportunidad na tapusin ang pandemya na kumitil na ng milyun-milyong tao simula nang madiskubre ito noong 2019.
Babala naman nito, kapag hindi sinamantala ang pagkakataon ito ay posibleng mauwi na naman ito sa mas maraming variants, pagkamatay, at gulo.
Batay sa datos ng WHO, bumaba ng 12% ang naitalang kaso sa buong mundo mula August 29 hanggang September 4.
Facebook Comments