Mga tanim na palay sa Casiguran, Aurora, tinamaan ng peste

45

Tinatamaan ngayon ng peste ang mga palayan sa Casiguran, Aurora.

Ayon sa mga magsasaka, tungro virus ang tumama sa kanilang panananim kung saan naninilaw at halos malanta na ang dahon ng mga ito.

Nangangamba sila ngayon dahil posibleng malugi sila bunsod nang hindi na mapapakinabangan ang mga apektadong palay.


Inaalam pa ngayon ng lokal na pamahalaan kung ilang magsasaka ang apektado ng peste at kung gaano kalawak ang pinsala nito.

Facebook Comments