WHO, hinimok ang COVID-19 vaccine makers na mag-donate ng 50% ng kanilang doses sa COVAX

Nanawagan ang World Health Organization (WHO) sa COVID-19 vaccine manufacturers na magbigay ng 50-percent ng kanilang volumes sa COVAX facility.

Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, maaaring mag-abot ng donasyon ang mga vaccine makers sa COVAX facility para mabigyan ng supply ang mga mahihirap na bansa.

Aniya, marami pa ring mahihirap na bansa ang hindi pa nakakapagsimula ng vaccination sa kanilang healthcare workers, senior citizens at iba pang vulnerable population.


Himutok pa ng WHO Official na may ilang mayayamang bansa ang nagsisimula nang magpabakuna ng mga bata.

Panawagan ni Ghebreyesus na magkaroon ng massive global effort na mabakunahan ang halos 10-porsyento ng populasyon sa lahat ng bansa pagsapit ng Setyembre at halos 30-porsyento sa katapusan ng taon.

Ang COVAX facility ay nakapaghatid na ng 80 milyong doses sa 129 bansa at teritoryo.

Facebook Comments