Nanawagan ang World Health Organization (WHO) sa mga bansa na suportahan ang COVAX financing initiative.
Ang COVAX ay isang sistema na nakadisenyo para matiyak ang mabilis at patas na access ng mga bansa sa bakuna laban sa coronavirus disease.
Ayon kay WHO Chief Scientist Soumya Swaminathan, ang mga bansang susuporta sa nasabing inisyatibo ay may mataas na tiyansang makakuha ng COVID-19 vaccine.
Aniya, kapag maraming bansa ang sumali sa COVAX, mataas ang tiyansang magtagumpay ito.
Sa ngayon, nasa 75 bansa na ang interesadong sumali sa COVAX na layong makapaghatid ng dalawang bilyong doses ng epektibo at aprubadong COVID-19 vaccines sa katapusan ng taong 2021.
Facebook Comments