Idineklara ngayon ng World Health Organization o WHO ang Europe bilang epicenter ng monkeypox outbreak.
Ayon kay WHO Regional Director for Europe Hans Kluge, nakapagtala ng 1,500 na kaso ng monkeypox sa loob ng 25 bansa sa Europa.
Ang European Region ay binubuo ng 53 bansa kabilang ang ilang bansa sa Central Asia.
Dagdag pa ng opisyal, ang naturang pagtaas ng kaso ng sakit ay lubhang nakakabahala na unang nadiskubre sa Western at Central Africa.
Matatandaang inanunsyo ng European Union na bibili sila ng mahigit 110,000 na bakuna kontra sa monkeypox pero wala pang aprubado ang WHO na bakuna hinggil dito.
Facebook Comments