WHO, iginiit na epektibo pa rin ang mga bakunang kanilang inaprubahan laban sa COVID-19

Tiniyak ng World Health Organization (WHO) na ang mga bakunang kanilang inaprubahan laban sa COVID-19 ay nananatiling epektibo.

Ayon kay WHO Top Emergency Expert Mike Ryan, ang mga bakuna ay nagbibigay pa rin ng proteksyon laban sa severe case at hospitalization mula sa lahat ng variants.

Iisa lamang aniyang virus ang nilalabanan pero mabilis itong nag-a-adapt.


Sinabi naman ni WHO Technical Lead on COVID-19 Maria Van Kerkhove na ang Delta variant ang mabilis na kumakalat.

50% itong mas nakakahawa kumpara sa original strains ng SARS-CoV-2.

Facebook Comments