Inaasahang magsisimula na ang Solidarity Vaccine Trials ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas.
Ito ay dahil sa magkakaroon na ng pinal na Solidarity Vaccine Trial Protocols at funding ngayong linggo.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, ang WHO ay magkakaroon ng tatlong trial para sa tatlong COVID-19 vaccines.
Aniya, nagkaroon ng delay sa pagsasapinal ng protocol para sa Solidarity Vaccine Trials dahil sa ikatlong vaccine developer.
Sa ngayon, hindi pa tinutukoy ang tatlong bakuna pag-aaralan sa vaccine trial.
Ang WHO ay inaasahang magbibigay ng counterpart fund support na nasa $1.5 million na halaga ng cash at equipment sa University of the Philippines – Manila (UP-Manila).
Sa bahagi naman ng pamahalaan, magbibigay ng ₱843 million para sa vaccine trials sa bansa.