Naaalarma ang World Health Organization (WHO) sa pagtaas ng kaso ng monkeypox sa Congo.
Batay sa pinakahuling datos ng WHO, umabot na sa 12,569 kaso ng monkeypox sa Congo hanggang nitong November 12, na pinakamataas na taunang bilang na naitala.
Nasa 581 na ang nasawi sa Democratic Republic of Congo sa naturang bilang.
Dahil dito, nababahala ang WHO sa bilis ng hawaan ng variant.
Noong nakaraang taon, kumalat ang naturang sakit sa ilang bansa sa Europe at Estados Unidos dahilan para ianunsyo ng WHO ang public health emergency of international concern.
Facebook Comments