Ikinabahala ng World Health Organization (WHO) ang malaking pagbaba ng naitatalang genome sequencing sa buong mundo na isang paraan upang laban ang COVID-19 pandemic.
Sinabi ni WHO Director-General Dr. Tedros Ghebreyesus, bumaba ng 90% ang naitatalang bilang ng genome sequencing kada linggo nang magsimula ang taong 2022.
Dagdag pa nito Ghebereyesus, bumaba rin ng 75% bilang ng mga bansang nagbabahagi ng kanilang sequencing reports dahilan para mahirapan lalong intindihin ang virus.
Nangangamba ang opisyal na ngayong papalapit na ang malamig na panahon sa Northern hemisphere ay lalong titindi ang pakalat ng virus sa mga susunod na araw.
Binigyang-diin din ng WHO ang pagtaas ng COVID-19 related deaths sa buong mundo sa nakalipas na apat na linggo na aabot sa 15,000.
Sa Pilipinas, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 229 COVID-19 related deaths mula August 8 hanggang 14 na siyang pinakamataas sa nakalipas na apat na buwan.