WHO, nagbabala na posibleng tumaas pa ang kaso ng monkeypox

Inaasahan na ng World Health Organization (WHO) na madaragdagan pa ang maitatalang kaso ng monkeypox.

Ayon kay WHO Emerging Diseases and Zoonoses Unit Head Dr. Maria Van Kerkhove, mahalaga na maging handa ang bawat bansa lalo na ang surveillance system.

Aniya, hindi gaya ng COVID-19, ang monkeypox ay endemic o karaniwan na sa Central at West Africa.


Sa ngayon, mayroon ng mahigit 20 bansa ang nakapagtala ng kaso ng monkeypox.

Facebook Comments