WHO, nagbabala sa Pilipinas kaugnay sa ‘Epidemiological Situation’ ng bansa dahil sa COVID-19

Binalaan ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas na ikonsidera ang ‘Epidemiological Situation’ bago wakasan ang lockdown sa buong Luzon sa April 12.

Ayon kay WHO Western Pacific Regional Director Takeshi Kasai, dapat maging maingat ng pamahalaan sa pagpapatupad ng lockdown sa buong Luzon dahil kailangang isaalang-alang muna ang ilang aspeto bago ito isagawa.

Para maging epektibo ang lockdown, dapat din, aniyang, magkaroon ng maayos na isolation place para gamutin ang mga positibong kaso.


Matatatandaang unang sinabi ni Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire na gagawa ng rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kaugnay ng desisyon sa lockdown.

Facebook Comments