WHO, nagbabala sa suhestyon na hayaang kumalat ang COVID-19

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa mga suhestyon na pabayaan na lang kumalat ang COVID-19 upang magkaroon ng herd immunity o natural na panlaban sa sakit ang madadapuan nito.

Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang herd immunity ay isang konsepto na ginagamit sa pagbabakuna kung saan ang buong populasyon na nabakunahan ay masasabing protektado na sa virus.

Dagdag pa ng WHO, ang herd immunity ay makukuha sa pagprotekta sa mga tao laban sa virus at hindi sa pagpapakalat nito kaya’t kailanman ay hindi nila ginagamit ang istratehiyang ito kapag may outbreak o pandemya.


Facebook Comments