Magiging available na sa susunod na anim na buwan ang 120 million rapid diagnostic tests para sa Coronavirus Disease o COVID-19.
Ayon kay World Health Organization (WHO) Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, sa loob lang ng 15 minuto ay malalaman agad sa antigen rapid tests kung negatibo o positibo ba sa COVID-19 ang isang tao.
Aniya, pwede itong mabili ng mga low at middle income countries sa halagang $5 (P250.00) kada unit.
Umaasa naman ang WHO na makakatulong ang antigen rapid test para mas mabilis na ma-contain ang pagkalat ng COVID-19 sa mga bansa.
Facebook Comments