WHO, nagsagawa ng emergency meeting hinggil sa COVID-19 variant

Nagpulong ang emergency committee ng World Health Organization (WHO) para pag-usapan ang banta ng mabilis na pagkalat ng bagong COVID-19 variants.

Ang mga bagong mutations ng virus ay lumalabas na mas nakakahawa dahil tumataas muli ang kaso sa iba’t ibang panig ng mundo at maaaring mauwi sa pagpapatupad ng bagong restrictions.

Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, mayroong dalawang isyu ang kailangang pagtuunan ng pansin.


Ang una ay ang pagkalat ng bagong variants ng COVID-19, at ang ikalawa ay ang potensyal na paggamit ng vaccination at testing certificates para sa international travel.

Kailangang magtulungan ang lahat para tugunan ang dalawang isyu.

May mga concern din na hindi magiging mabisa ang mga bakuna sa mga bagong variant.

Umaasa sila na ngayong taon ay maibabalik sa normal ang pamumuhay ng lahat ng bansa.

Titiyakin nila na ang lahat ng bansa ay mayroong patas na access sa bakuna.

Ang unang mutation ng COVID-19 ay nadiskubre sa United Kingdom at kumalat na sa higit 50 bansa, ang South African Strain ay matatagpuan na sa 20 bansa, ang ikatlong mutation ay nagmula sa Brazilian Amazon.

Facebook Comments