WHO, nakapagtala ng mahigit 200,000 bagong kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw

49

Nadagdagan pa ng mahigit 200,000 kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang naitala sa buong mundo sa loob lamang ng isang araw.

Batay sa pinaka huling tala ng World Health Organization (WHO), nasa kabuuang 230,000 ang naidagdag sa kaso ng COVID-19 dahilan para umabot na ito sa halos 13 milyong kaso sa kasalukuyan.


Sa bilang na ito, nasa 565,000 na ang mga nasawi habang nasa higit pitong milyon naman ang bilang ng mga nakarekober.

Facebook Comments