Stand-up comedian na si Kim Idol, pumanaw na sa edad na 41

130

Pumanaw na sa edad na 41 ang stand-up comedian na si Kim Idol o Michael Argente sa tunay na buhay, pasado alas-8 kaninang umaga dahil sa AVM o Brain Arteriovenous Malformation.


Sa Facebook post ng kaniyang ina na si Maria Taniegra Argente, ibinahagi niya ang malungkot na balita.

Nagbigay-pugay din ito sa namayapang anak na tinawag niyang isang bayani dahil kahit mapanganib ay pinili ni Kim na maglingkod bilang frontliner ng Bureau of Quarantine.

Matatandaang isinugod si Kim sa ospital noong July 9, 2020 matapos mawalan ng malay sa Philippine Arena, na pansamantalang ginawang quarantine facility para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Facebook Comments