Nanawagan ang World Health Organization (WHO) ng agarang aksyon upang mapigilan ang pagkalat ng Monkeypox sa Europa.
Ito ay matapos triple ang itinaas ng kaso ng virus sa naturang kontinente sa nakalipas na dalawang linggo.
Sinabi ni WHO Regional Director for Europe Hans Henri Kluge na 90% o katumbas ng 4,500 na kumpirmadong kaso ng Monkeypox sa buong mundo ay mula sa Europe.
Dagdag pa nito, nananatiling episentro ng outbreak ng Monkeypox ang Europe at nananatiling mataas ang banta ng sakit sa naturang lugar.
Sa kabilang banda, hindi pa rin kinokonsidera ng WHO na ituring na public health emergency of international concern ang Monkeypox outbreak.
Facebook Comments