Quezon City, nangunguna pa rin sa Metro Manila LGUs na nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19

79

Nangunguna pa rin ang Quezon City sa Metro Manila LGUs na nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Ito ay matapos maitala ng Department of Health ang 141 new cases sa naturang lungsod, mas mababa sa naitalang 150 kamakalawa.

Samantala, narito naman ang naitalang bagong kaso ng sakit sa iba pang mga lungsod sa National Capital Region (NCR):


Maynila – 78
Makati – 78
Taguig – 56
Pasig – 44
Parañaque – 43
San Juan – 29
Las Piñas – 28
Mandaluyong – 22
Pasay – 20
Muntinlupa – 19
Marikina – 14
Caloocan – 11
Pateros – 6
Malabon – 4
Valenzuela – 3
Navotas – 2

Kumakatawan ang NCR sa 592 ng kabuuang 1,243 bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa buong bansa kahapon.

Facebook Comments