WHO, nanawagan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng world leaders para tuluyang ng matalo ang COVID-19

Muling kinalampag ng World Health Organization (WHO) ang lahat ng mga bansa sa buong mundo na magkaisa at magtulungan sa gitna ng laban sa COVID-19.

Ayon kay WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, tanging ang pagbubuklod lamang ng mga bansa ang susi para matalo ang Coronavirus.

Bukod pa rito, dapat din aniyang pag-ibayuhin ng mas makakapangyarihang mga bansa ang pagtulong sa developing countries para makasabay ang mga ito sa mga pagkilos na inilulunsad para pigilin ang pagkalat ng sakit.


Dapat aniyang magkaisa ang mga global power upang maipakita ang global solidarity at global leadership sa paglaban sa COVID-19.

Sa ngayon, pumalo na sa 12.6 million ang mga naitatalang kaso ng infection sa buong mundo kung saan 7.36 million na ang naka-recover at mahigit 562,000 ang namatay.

Facebook Comments