WHO, nanawagan ng vaccine booster moratorium

Kasunod nang nararanasang kakulangan ng suplay ng bakuna hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo.

Nananawagan ang World Health Organization (WHO) ng vaccine booster moratorium.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Rabindra Abeyasinghe na sa ngayon ay wala pang matibay na ebidensya na kailangan ng booster shots kahit pa ang vulnerable population.


Ayon kay Dr. Abeyasinghe, posibleng kailanganin ng 3rd dose o booster shot ng mga immuno compromised individuals.

Paliwanag nito, ang mga mayayamang bansa ay halos bakunado na ang lahat ng kanilang mamamayan at nagsisimula na sa pagtuturok ng 3rd dose.

Pero ang mga mahihirap na bansa, marami pa rin ang hindi pa nakakatanggap ng ni-isang dose ng bakuna.

Layunin ng moratorium na bigyan ng pantay-pantay na alokasyon ng bakuna ang bawat bansa sa mundo.

Naniniwala kasi ang WHO na kapag bakunado na ang karamihan lalo na ang vulnerable sector ay bababa ang transmission o hawaan ng COVID-19.

Facebook Comments