Umapela ang World Health Organization (WHO) sa mga mayayamang bansa na huwag munang um-order ng booster shots para sa kanilang mga kababayan.
Ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, tumataas muli ang bilang ng mga namamatay sa COVID-19 at nagiging dominante ang Delta variant kung saan nasa 104 bansa na ang apektado nito.
Punto pa niya, marami pang bansa ang hindi nakakatanggap ng vaccine supply at hindi pa nakakapagsimula ng kanilang immunization efforts.
“The global gap in COVID-19 vaccine supply is hugely uneven and inequitable. Some countries and regions are actually ordering millions of booster doses, before other countries have had supplies to vaccinate their health workers and most vulnerable,” ani Ghebreyesus.
Tinawag din ng pansin ng WHO official ang Pfizer at Moderna na nakatakda nang magbigay ng booster shots sa mga bansang may mataas na lebel ng vaccination.1
Dapat aniya magbigay sila ng kanilang doses sa COVAX Facility para nabibigyan ng bakuna ang mga mahihirap na bansa.