WHO, patuloy na pinag-aaralan ang bagong uri ng novel coronavirus

Patuloy na pinag-aaralan ng World Health Organization (WHO) ang 2019 novel corona virus o n-CoV.

Ayon kay WHO Country Representative Rabindra Abeyasinghe – ang coronavirus ay grupo ng mga virus na nakakaapekto sa respiratory system ng tao.

Madalas aniya ay galing ito sa mga hayop, at nagdudulot lamang ito ng mild infections tulad ng sipon.


Pero hindi pa malinaw kung gaano kabagsik ang n-CoV.

Magpupulong na ang WHO para sa magiging hakbang laban sa sakit.

Sa ngayon, mahigpit ang pagbabantay ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Bureau of Quarantine sa mga dumarating na pasahero lalo na ang mga galing sa China.

Facebook Comments