WHO pinuri ang sin tax scheme ng Pilipinas

Pinapurihan ng World Health Organization ang sin tax scheme ng Pilipinas, kung saan inilarawan ito bilang international model for cost-effective promotion of Health and reduction of non-communicable diseases dahil sa pagsusulong na buwisan ang mga sin products tulad ng mga nakalalasing na inumin at mga sigarilyo.

 

Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, ang Department of Finance kaisa ng kanilang mga kabalikat sa WHO na suportahan ang mga hakbang ng organisasyon na tugunan ang health impacts ng sin products.

 

Binigyang diin ni lambino ang pagiging seryoso ng administrasyon na buwisan ang sin products upang mapagkunan ng pondo para sa human capital investment ng pamahalaan.


 

Sinabi rin ni Lambino na ang comprehensive tax reform program ng Duterte Administration ay hindi lamang para sa human capital investment ng gobyerno bagkus ay tumatayo rin ito bilang isang health strategy ng bansa.

Facebook Comments