Sinuspinde ng World Health Organization (WHO) ang pagsasagawa ng testing sa malarial drug na Hydrocholoquine sa mga pasyenteng may COVID-19.
Matatandaang sinabi ni United States President Donald Trump na iniinom niya ang gamot para maiwasan ang coronavirus infection.
Ayon kay WHO Director General Tedros Adhamom Ghebreyesus, nagpasya ang executive group na ihinto muna ang pag-aaral sa nasabing gamot sa ilalim ng Solidarity Trial habang nire-review ng data safety monitoring board kung ligtas ba itong gamitin.
Pero nilinaw ng WHO official na ang iba pang gamot na sumasailalim sa trial para sa potensyal na lunas sa COVID-19 ay nagpapatuloy.
Sinabi naman ni Dr. Mike Ryan, pinuno ng WHO emergencies programme, ang desisyon na suspendihin ang trials ng hydroxychloroquine ay bilang bahagi na rin ng pag-iingat.
Matatandaang hindi inirekomenda ng WHO ang paggamit ng hydroxychloroquine bilang gamot o panlaban da COVID-19.