Tinukoy na ng Vaccine Expert Panel (VEP) ang mga lugar sa bansa kung saan isasagawa ang Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO) para sa COVID-19 vaccines.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST)-VEP Head Dr. Nina Gloriani, posibleng sa Enero ng 2021 mag-umpisa ang nasabing trials sa ilang barangay na nakitaan ng higit 1% attack rate.
Aniya, sa nakalipas na apat hanggang anim na linggo kasi ay nakapagtala pa rin ng COVID-19 cases ang naturang mga lugar, kabilang ang:
*National Capital Region:
Manila – Brgy. 94, 395, 666, 667, 668, 697, 689, 699
Pasay – Brgy. 36, 74, 76, 150
Taguig – Brgy. Fort Bonifacio
*Cordillera Administrative Region:
Itogon – Brgy. Virac, Poblacion Central
Tuba – Brgy. Camp 3
Baguio City – Brgy. Legarda, Burnham, Aurora Hill, Sta. Escolastica, City Camp Proper
*Davao – Brgy. Agdao, 27C, 32D, 12B
Bukod sa trial sites sa komunidad, 14 na pampubliko at pribadong ospital din ang kasali sa gagawing pag-aaral, kabilang dito ang:
-Philippine General Hospital
-Research Institute for Tropical Medicine
-Manila Doctor’s Hospital
-San Lazaro Hospital
-St. Lukes Medical Center – Quezon City
-St. Lukes Medical Center – BGC
-Lung Center of the Philppines
-The Medical City
-Makati Medical Center
-De La Salle Medical Center – Cavite
-Southern Philippines Medical Center – Davao City
-Baguio General Hospital and Medical Center
-Western Visayas Medical Center – Iloilo City
Sinabi pa ni Dr. Gloriani na maaari pang magbago ang listahan ng community trial sites dahil naka-depende sa maitatalang kaso ng mga nabanggit na lugar ang posibilidad na masali sila sa eskperimento.
Nilinaw rin nito na iba mula sa independent trials ng ibang bakuna na nag-apply na makapagsagawa ng kanilang Phase III trials sa Pilipinas ang pag-aaral na gagawin ng WHO.